Jose Ruiz Padilla Jr. - MARIA CLARA RUIZ, LELENG AT PEMPE

Started by Eli Padilla on Monday, November 17, 2014
Problem with this page?

Participants:

Profiles Mentioned:

Related Projects:

11/17/2014 at 4:11 PM

MARIA CLARA RUIZ, LELENG AT PEMPE: ANG MGA PRE-WAR LUMINARIES

Halos magkasabay pumasok sa pag-aartista ang tatlong magkakapatid na MARIA CLARA RUIZ (named after their mother, Clarita Ruiz), CARLOS PADILLA, SR. at JOSE PADILLA, JR. bago magka-digma noong early 1930’s. Palibhasa’y iilan lamang ang mga artista noon, kung kaya’t there were some pictures wherein the Padilla brothers had their sister, Maria Clara Ruiz, as their leading lady and love interest.

Matuk mo ito, Manay! Di parang incest, di ba? But it happened.

Hindi nagtagal ay sumakabilang-buhay si Maria Clara Ruiz. Marahil ayaw Niya ang ganito nguni’t nagpatuloy pa rin sina Leleng at Pempe sa kanilang ‘madugong’ pakikipagsapalaran sa puting tabing. Naging idolo ng mga kababaihan si Pempe. At ganoon din si Leleng, but of course….

Tulad ng mga De la Rosa brothers na sina Rogelio (na ngayon ay isa nang Ambassador sa Hague) at Jaime (isa nang TV host sa pang-umagang TV program), ang mga Padilla brothers ay tipong pang-romansa at kinagigiliwan ng mga babae (wala pa noon ang mga third sex, ang mga swards o kahit na mayroon na ay hindi nagpapabuko at naglaladlad ng kanilang mga saya) at natural, kinaiinggitan ng kapwa nila lalaki. Dahil pamoso nga ang mga ito – lalo na si Pempe – sa pagiging deadly sa mga ‘chicks’. Malupit, ika nga, at talaga po naming machung-macho nu’ng kapanahunan niya. Hitsura ng mga nagmamacho-machohan diyan. Ngmga de-bigote’s mahihilig sa paghuhubad diyan beside Leleng and Pempe.

Suwabe ang kanilang pagka-macho. Hindi pilit, hindi sinasadya. Sadyang nagmumula sa loob. From within and not from without. Natural. Spontaneous and really oozing with sex. Palibhasa’y tunay na Pilipino kung pagmamasdan sa tipo, sa ugali, sa tindig, di tulad noon na ang karamihan sa mga artista ay mestisuhin at may halong dugong-banyaga. Nguni’t ang mga Padilla ay puro, tunay na tunay at talaga po naming Pilipinung-Pilipino.

Between the two, Pempe lasted longer than Leleng. This was because Leleng was a victim of heart attack that had paralyzed him for eleven (11) agonizing years from the waist down. He died in the early part of 1963.

Samantalang si Pempe ay nagpatuloy umani ng katakut-takot na tagumpay hindi lamang bilang Pinakamahusay na Bituing Lalaki ng FAMAS kundi pati na rin sa unang Maria Clara Awards sa pagtataguyod ng The Manila Times Publishing Co. at maging sa Asia Film Festival where he won the Best Actor Award in 1952.

Bukod ditto, masasabing isa ring institusyon si Pempe sa pelikulang local. Naging bida siya sa pelikula sa loob ng mahigit na tatlong dekada mula noong 1936 up to the early 60’s. At naging character actor na lamang siya – but still with star billing – sa sumunod na taon hanggang sa kanyang pagkaratay sa banig ng karamdaman. Binawian siya ng buhay noon June 19, 1979.

All the while, Jose Padilla, Jr. blazed through the screen as the swashbuckling, romantic hero; nakaipon siya ng libu-libong (or is millions?) tagahanga at tagasubaybay. Sa mga baong henerasyon na walang kamuwang-muwang samga pangyayari noon sa daigdig ng pelikula, si pempe ay maitatapat kay Christopher de Leon at present times. Or better yet, with Fernando Poe, Jr. who came ahead of Chris. Na bukod sa talagang matalino at makisig ay deadly din sa mga ‘chicks’.

Kaya nga ba’t naging in-demand din si Pempe. Nakakapagdikta siya – tulad ng mga artista ngayon – ng kanyang presyo. There was even a time in local cinema that he was the confirmed highest paid actor. Siya lamang marahil sa mga naging artista natin na kapag bumili ng kotse ay iba-ibang modelo. Buick, Pontiac, Chevy. Laging dalawang magkapareho, magkakulay. Kung Chevy, okey, dalawang Chevy ang bibilhin. Parehong kulay. Pareho ang make. At lagging magkasunod sa kanyang mga lakad.

Matuk mo itis, Manay! May style, di ba? Sino sa artista natin ang may ganitong style at gimmick? Wiz, Manay, wiz. At ito pa:

During lunch breaks, Pempe would excuse himself from his director and motor all the way from his shooting (kesehoda kung sa Bulacan ito) to Lipa, Batangas for just a – hold your breath – karera ng gagamba! Say! Opo, karera lamang ng gagamba ang kanyang dadayuhin sa Batangas at kung ten thou lamang ang dala-dala niya ay masasabing chicken feed ito!

At that time, one kilo of pork and beef was only P1.25, o P1.28 kung magtaas ang mga tindera sa palengke. At ang bigas, Nene, mga P.80 lamang isang salop! One ganta, take note, hindi isang litro tulad ngayon.

But Pempe was like that, playful with his money. Na parang laruan lamang. And yet, though already a big star, he never showed he wanted star treatment or priority of privileges and favors. Hindi baleng langawin siya sa shooting! He never complained. This was one good trait he had.

Contrary to earlier reports, Pempe died a rich man with honor and among friends. Who sez one can never be a hero in his own hometown? When Pempe died, he was mourned by his own townmates who came en masse to his funeral. Even the mayor of Plaridel, Bulacan, Mayor Amado Buhain, supervised the ceremonies for Pempe at the town hall. It was a sight to see how a town hero so loved and respected by his own people was mourned and esteemed! And yet, people were quick to say that he died a pauper. Pempe never begged. He didn’t have to. The Padillas are neither very rich nor very poor. Well-to-do, yes. But not poor.

Create a free account or login to participate in this discussion