Lieutenant Cipriano S Villafuerte, Sr.

Is your surname Villafuerte?

Connect to 417 Villafuerte profiles on Geni

Lieutenant Cipriano S Villafuerte, Sr.'s Geni Profile

Share your family tree and photos with the people you know and love

  • Build your family tree online
  • Share photos and videos
  • Smart Matching™ technology
  • Free!

Lieutenant Cipriano S Villafuerte, Sr.

Birthdate:
Death:
Immediate Family:

Son of Policarpio Villafuerte and Teresa Villafuerte
Husband of Maria Rayos Rayos del Sol; Maria Villafuerte and Private
Father of Natividad Rayos del Sol Villafuerte; Fundador Villafuerte; Ester Villafuerte; Private; Private and 8 others
Brother of Francisco Villafuerte, Sr.

Managed by: Mark Anthony Carrasco Fuentes
Last Updated:
view all 19

Immediate Family

About Lieutenant Cipriano S Villafuerte, Sr.

Si Cipriano Villafuerte, Sr. ay isa sa pinaka-tanyag na dayuhan galing sa Luzon na unang nagbukas ng landas sa Dabaw para sa iba. Isa siyang sundalo at maginoong magsasaka. Noong mga taong 1920 na ang Dabaw ay halos gubat pa at pinamamahayan na ng mga di-nakapag-aral ng mga natibong pangkat-etniko, tinatag niya ang mg sityo o nayon at dinala niya ang kabihasnan sa mga natibo lalung-lalo na sa dating distrito ng Guiangga.

Ang mga natibong datu ng mga sityo at baryo noon ay minahal siya dahil sa kanyang mabuting kalooban at mabuting pakikitungo sa mga ito. Sa pamamagitan ng mga datu ng sityo, nahikayat niya ang mga natibo na ipadala ang mga anak sa nabuksang paaralan. Tinulungan din ni Cipriano Villafuerte sa pagkuha ng mga titulo ng mga lupain ang mga natibo. Sa gawing Calinan, Toril at Sirawan, sinimulan niya ang pagpapagawa, sa pagtulong ng mga natibo at pamahalaan, ng mga daan, tulay, palengke at pagtatag ng mga paaralan. Nagbukas siya ng malalawak na lupain sa Calinan na tinamnan ng abaka at iba pang mga pananim. Kinumbinsi niya ang iba na bungkalin ang mga lupa at tamnan upang pakinabangan. Lagi siyang handang tumulong sa mga nangangailangan. Tinutulungan din niya noon ang mga datu sa pagpapanatili ng katahimikan sa kani-kanilang mga sityo.

Bilang isang puno ng pamilay, siya at butihing asawa ng kanyang maybahay na si Maria Rayos del Sol ng Muntinglupa, Rizal at butihing ama ng kanyang walong anak. Napalaki at napa-aral nilang mag-asawa ang kanilang mga anak na pawang matatagumpay na rin. Kabilang sa mga anak ay ang panganay nilang si Fundador na isang abogado na naging alkalde ng Lungsod ng Dabaw; Cipriano, Jr. na naging kagawad ng Sangguniang Panlungsod; Elizabeth ng nakapagtapos ng Culinary Arts at maybahay ni Atty. Jesus Medina; Natividad na dating parmasyotika at naging isang educator at maybahay ng alkalde ng Pantukan na si Alkalde Celso Sarenas; Luz, isang pharmacist na maybahay ni Dr. Honorio Hilario; Remedios, na isang educator at maybahay ni Engr. Jose Campo; Pacita, isang medical doctor na maybahay ni Dr. Pedro O. Sanvicente na Director ng MECS Region XI; at si Conception, isa ring educator na maybahay ni Atty. Isagani Fuentes