Melencio de Leon Carlos

public profile

How are you related to Melencio de Leon Carlos?

Connect to the World Family Tree to find out

Melencio de Leon Carlos's Geni Profile

Share your family tree and photos with the people you know and love

  • Build your family tree online
  • Share photos and videos
  • Smart Matching™ technology
  • Free!

Melencio Carlos y de León

Filipino: Melencio de León Carlos
Birthdate:
Death: January 22, 1940 (71-72)
Talavera, Nueva Ecija, Philippines
Immediate Family:

Son of Don Pablo Teng Carlos and Doña Aleja Pengson de León
Husband of Private and Private
Father of Private; Private; Private; Private; Private and 3 others
Brother of Santiago de Leon Carlos; Antonio de Leon Carlos and Don Melitón de Leon Carlos

Occupation: Revolutionary
Managed by: Andrew Santiago Miranda
Last Updated:
view all 15

Immediate Family

About Melencio de Leon Carlos

MELENCIO CARLOS Ang natatanging anak ng bayang San Miguel de Mayumo, hangang ngayon marami ang hindi nakakaalam sa ginampanan sa kasaysayan, pagpakasakit at nakipaglaban para sa bayan - siya si MELENCIO CARLOS. Siya ang tanging Bulakenyo nakipaglaban sa tatlong digmaan, una, laban sa mga Kastila; pangalawa, laban sa mga Amerikano at pangatlo, laban sa mga Hapon, sa huling digmaan siya nasawi. Wala lubos kaalaman tungkol kay Melencio Carlos, kailan siya pinanganak, sino ang kanyang mga magulang, kapatid, asawa, anak at ano ang kanyang pinagaralan. Bagaman siya ay taal na taga San Miguel de Mayumo, sa bayang ito siya isinilang, subalit walang nakakaalam saan siya nanirahan, ang pook ng kanyang pinanganakan, kailan at paano siya pumanaw (Mohon, Mga Bulakenyong Biyaya ng Kasaysayan, Jaime S. Corpuz). Ang batid tungkol kay Melencio Carlos ay noong sumiklab ang himagsikan, tulad ng mga kababayang nagmamahal sa kalayaan, sumapi siya sa Katipunan. Sa pagsisimula ng himagsikan noong 1896, maiwasang makipaglaban sa mga magkababayan pinili nila sa Kakarong de Sili makipaglaban kaysa makalaban ang mga Guardiya Sibil na taga San Miguel de Mayumo. Ayon sa aklat ni Hen. Artemio Ricarte, inulat niya sina Melencio Carlos, Maximo Viola at Simon Tecson, tinugunan ang hingin tulong ng mga kapatid na masong ni Hen. Eusebio “Dimabungo” Roque, sa Kakarong de Sili, Pandi, Bulacan sila nakipaglaban (Himagsikan ng mga Pilipino Laban sa Kastila, Artemio Ricarte, Yokohama, Japan). Makaraan ang madugong laban sa Kakarong de Sili at San Rafael, Bulacan, kasama si Hen. Isidoro Torres nagkuta sa dalampasigan ng dagat Pacifico at pinangalanan nilang Biak na Bato ng Dagat Pacifico. Sinundan sila duon ng mga kastila, nagkaroon ng labanan at nagapi ang lumulusob na mga kaaway (The Katipunan and the Revolution, Memoirs of general Santiago V. Alvarez, sinalin ni Paula Carolina S. Malay). Sinalubong nila si Hen. Emilio Aguinaldo tumatakas mula Cavite, namamahinga sa kuta ni Hen. Licerio Geronimo sa Puray, San Mateo, Rizal. Nagkaroon ng sagupaan sa mga tumutugis na mga kastila, pinamumunuan ni Koronel Primo de Rivera, pamangkin ng Gobernador Heneral, nagapi ang mga kastila, marami sa kanila ang napaslang, nasugatan at nabihag kasama ang pamangkin ni Gobernador Heneral Primo de Rivera (The Roots of the Pilipino Nation, O.D. Corpuz). Pinagutos ni Hen. Aguinaldo ang pagtatag ng Goberyerno Departmental ng Gitnang Luzon sa Puray at si Padre Pedro Dandan ang nahalal na Pangulo. Ang mga Bulakenyo sina Simforoso Dela Cruz, Melencio Carlos nahirang na Dibisyon Heneral; sina Isidoro Torres, Andres Pacheco, Simon Tecson at Narciso Porcuincula mga Brigider Heneral, pagkilala sa kanilang pakikipaglaban (The Philippine Revolution, Teodoro M. Kalaw). Sa Biak na Bato si Melencio Carlos at mga taga San Miguel de Mayumo ay lumagda, nagpatibay nagtatag republika ng Biak na Bato (Biak na Bato Constitution 1897, Filipiniana.net ), si Melecio Carlos ang pinuno gumagawa ng mga sandata at bala, sinuko ni Hen. Aguinaldo sa pakto ng Biak na Bato (Cartas Sobre La Revolucion, Mariano Ponce). Sa pagbabalik ni Hen. Aguinaldo at muling pagsiklab ng digmaan laban sa mga kastila, si Melencio kasamang nagpasuko kay Telesforo Carraso at 19 kastila natago sa simbahan ng San Miguel, sumuko noong Mayo, 1898 (A Spanish Soldier in Aguinaldo’s Army, Military Journal of Teleforo Carraso y Perez, edited by Nick Joaquin). Sa digmaan laban sa mga Amerikano noong 1989, ang Bulacan ay nireorganisa sa 6 na sonang military, si Melencio Carlos ang nahirang pinuno ng ikatlong sona sakop ang mga bayan ng Bustos, Baliwag at Pulilan, si Mariano Yoyungco ang pangalawang pinuno. Samantalang ang ikaapat na sona, sakop ang bayan ng San Rafael, San Ildefonso at San Miguel pinamunuan ni Pablo Tecson at ni Simon Tecson (Nalathala sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Kongreso ng Malolos noong 1998, sinaliksik at sinulat ni Fe Mangahas). Si Pablo Tecson noong 1902 sumuko sa mga Amerikano kasama si Melencio Carlos, si Pablo Tecson ay nahalal unang Gobernador na Bulacan, ang kapatid ni Melencio Carlos, si Meliton Carlos, unang Alkalde ng San Miguel de Mayumo, kapalit ni Jose Buencamino, binihag nina Timoteo Dhalan at Manuel Gonzales sa Maasim, San Ildefonso at pinatay sa Candaba (Memories of Two Wars, Cuba and the Philippines, Frederick Funston). Si Melencio Carlos kasama ni Pablo Tecson nagapply ng titulo ng lupa noong ang lalawigan ng Nueva Ecija ay deneklarang “homestead” at nagkaroon siya ng lupa sa San Miguel na Munti, Talavera, Nueva Ecija. Si Pablo Tecson at Isidoro Torres sa San Antonio nagkaroon ng lupain sa tulong ni Manuel Tinio, Direktor, Bureau of Lands nagpapatibay titulo ng mga lupa (Remembering my Lolo Simon Tecson, Leader in the Siege of Baler, Luis Z. Tecson). Katulad nina Pablo Tecson at Isidoro Torre, si Melencio Carlos ay nanirahan, nagkaasawa at pumanaw sa Nueva Ecija. Si Isidoro Torres noong pumanaw, dinala ang labi sa Malolos, iniwan ang puso sa kanyang bayan at inilibing ang bangkay sa San Antonio, Nueva Ecija. Si Pablo Tecson inuwi ang bangkay, inilagak ang labi sa Libingan ng mga Bayani sa San Miguel de Mayumo. Samantalang si Melencio Carlos hindi alam ang kinahinatnan ng kanyang mga labi at paano siya napaslang. Ito ang malaking hamon sa KK@T/SMDM, saliksikin malaman at makilala, sino si Melencio Carlos at ang ambag niya sa bayan ng San Miguel de Mayumo, lalawigan ng Bulacan at sa bansang Filipinas.

Source: Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan. https://www.facebook.com/sampakabulacan/posts/melencio-carlosang-na...

view all 12

Melencio de Leon Carlos's Timeline

1868
1868
1940
January 22, 1940
Age 72
Talavera, Nueva Ecija, Philippines