Teniente Marcos Miranda y Josef

Talavera, Nueva Ecija, Philippines

How are you related to Teniente Marcos Miranda y Josef?

Connect to the World Family Tree to find out

Teniente Marcos Miranda y Josef's Geni Profile

Share your family tree and photos with the people you know and love

  • Build your family tree online
  • Share photos and videos
  • Smart Matching™ technology
  • Free!

Teniente Marcos Miranda y Josef

Spanish: Teniente Marcos Josef y Miranda, Filipino: Marcos Jose Miranda
Also Known As: "Capitan Angco", "Amang Angco"
Birthdate:
Birthplace: Barrio Naboag, Quingua (now Plaridel), Bulacan, Philippines
Death: January 22, 1974 (79)
Talavera, Nueva Ecija, Central Luzon, Philippines
Place of Burial: Silangan Memorial Cemetery, Talavera, Nueva Ecija, Philippines
Immediate Family:

Son of Leocadio Maclang Miranda and Martina Josef
Husband of Maria Encarnacion Patiag Mendoza
Father of Victor Mendoza Miranda and Pedro Mendoza Miranda
Brother of Gregoria Josef Miranda; Cesilio Josef Miranda; Balbina Jose Miranda; Valeriano Josef Miranda and Juan Josef Miranda

Occupation: Secretario General (Iglesia de la Sagrada Familia), Teniente del barrio (Gulod, Talavera, Nueva Ecija), Capitan del barrio(Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija)
Baptism and confirmation: March 24, 1894 (Quingua, Bulacan)
Residence: Gulod-Sampaloc, Talavera, Nueva Ecija
Managed by: Andrew Santiago Miranda
Last Updated:

About Teniente Marcos Miranda y Josef

Si Marcos "Teniente o Capitan Angco" Josef Miranda ang nanguna sa paglikas ng mga mamamayan ng Talavera partikular na sa barrio ng Gulod (ngayon ay nahahati sa mga barangay ng Gulod at Sampaloc) mula sa mga pang-aabuso ng mga hapones noong pananakop sa Pilipinas. Siya rin ang naging unang Teniente del barrio ng Gulod at pangalawang Capitan del barrio ng Sampaloc, nang humiwalay na ito bilang isang barrio, sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija. Kilala rin siya magpasahanggang ngayon ng mga miyembro bilang isa sa mga opisyal ng relihiyosong grupong kilala sa tawag na "Iglesia de la Sagrada Familia" at nanungkulan dito bilang Secretario General hanggang sa dulo ng kanyang mortal na buhay.

Isinilang siya noong ika 20 ng Marso, taong 1894 sa bayan ng Quingua (ngayo'y Plaridel) kina Leocadio Maclang Miranda, anak nina Eleno Miranda at Teodora Maclang, at Martina Jose, anak ni Ciriaca Jose, na naninirahan sa barangay numero cuatro de Don Saturnino Garcia sa barrio Naboag. Bininyagan at kinumpilan siya ni Fray Jose Alonzo sa simbahang katolika noong ika 24 ng Marso, 1894 sa simbahang parokya ni Santiago Matamoro, bayan ng Quingua at tumayong padrino niya si Maximo Santiago.

Nagkamuwang ang kanyang mga hinlog at sa ala-ala'y mayroon siyang tatlong mga kapatid na sina Cecilio, Valeriano, at Balbina. Napangasawa niya si Maria Encarnacion "Cion" Patiag Mendoza, nag-iisang anak nina Mariano Mendoza at Geronima Patiag. Ayon sa tala ng kanilang kasal, si Marcos ay mula sa Quingua, Bulacan at si Maria naman ay mula sa San Isidro, Nueva Ecija na naninirahan sa bayan ng Talavera. Ikinasal sila ng unang namirming pari ng Talavera na si Reverendo Padre Ruperto T. Rosario noong ika 24 ng Abril, 1918 at tumayo bilang mga testigo sina Hospicio Valenton Lopez at Lorenza Arabia de San Jose. Sina Angco at Cion ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Pedro at Victor.

Makapasko taong 1941 nang dumating ang mga hapon sa Talavera at bombahin ang lumang tulay ng barrio Calipahan. Tinangkang sakupin ng puwersa ng mga hapon ang silangang bahagi ng bayan na ngayo'y mga barrio ng Sampaloc, Gulod, at Paludpod na siyang kabilang sa mga lugar na malapit sa kabayanan na maaaring pagkunan ng kanilang pangangailangan gaya ng inuming tubig at pagkain. Inutusan ng mga sundalong hapones si Angco na isuko ang lahat ng mga kalabaw at kariton pati na rin ang mga imbak na pagkain at lahat ng iba pang maaaring pakinabangan na pag-aari ng mga taong kanyang pinamumunuan. Sa halip na sumunod ay ipinatago niya sa mga residente ang mga kalabaw sa masusukal na lugar at sa malalayong parang; ang mga kariton ay ipinalubog niya sa sapa; nagplano siya ng isang paglikas at ipinabaon ang mga gamit na hindi madadala sa kanilang pag-alis upang hindi na pakinabangan pa ng mga hapones; pinagtago niya ang mga tao; at saka sinabihan ang mga sundalong hapones na nagsilikas na ang mga mamamayan. Nang makahanap ng pagkakataon ay dali-dali at tahimik niyang isinamang lumikas patungong "Balombato" sa San Miguel de Mayumo, Bulacan ang mga residente. Ika 6 ng Enero, 1942 nang lusubin ng mga hapon ang kabayanan. Ang Gulod at Paludpod ay binomba rin. Nagtagumpay man ang mga hapon na atakihin ang Gulod, bigo naman sila na mapasunod ang mga mamamayan. Ang paglikas ng mga tao sa Gulod at pag-iwan sa mga pananim ay nakaapekto sa pagkuha ng mga sundalong hapon ng kanilang makakain. Kalauna'y nakipagkaisa ang pamahalaan sa mga hapon upang maiwasan ang mas malala pang kapahamakan.

Matapos ang mga kaguluhan at ipangako ng pamahalaan na hindi na muling mauulit ang mga pang-aabuso ng mga hapon ay bumalik muli sila sa Talavera noong Abril o Mayo 1942 (isang patunay na nakauwi na sila sa panahong ito ay ang kasal ng kanyang anak na si Victor kay Natividad Trajano Tiongson noong Mayo 23, 1942 sa Parroquia de San Isidro Labrador, bayan ng Talavera). Bagaman sila'y bumalik upang ipagpatuloy ang kanilang buhay sa kanilang bayan ay hindi pa rin sila sang-ayon sa pinanatili ng mga hapon at sinuportahan nila ang mga gerilyang kasapi ng Hukbalahap o Hukbong Bayan Laban sa Hapon na pinamumunuan ni Luis Taruc ng San Luis, Pampanga. Isa sa kapatid ng kanyang manugang na si Natividad na nagngangalang Nicanor ay kasapi rin sa samahang ito at ginamit ang pangalang Mariano Leongson upang maitago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at maiiwas ang mga kaanak sa higit na galit ng mga hapon.

Inilaan pa ni Marcos ang kanyang panahon sa: pagiging isa sa mga opisyal (Secretario General) ng samahang *Caballeros de la Sagrada Familia na lumaganap sa gitnang kapatagan lalo na sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga; pamumuno sa mga barrio ng Gulod at Sampaloc; at pagsasaka at pangangasiwa bilang punong katiwala mga lupang pag-aari ng mga Valenton sa Nueva Ecija at Bulacan. Sinasabi ring isa siya, kasama si Don Celerino Valenton, sa mga nangunang nagbiyahe nang malakihang bulto ng palay at mga gulay palabas ng Talavera patungo sa iba't ibang karatig bayan gaya ng Cabanatuan at probinsya gaya ng Pangasinan.

Siya ay pumanaw noong ika 22 ng Enero taong 1974 at inihimlay sa pambayang libingan ng Talavera. Kalauna'y inilipat ng himlayan ang kanyang mga labi sa musoleo ng pamilya Miranda sa Silangan Memorial Cemetery.



*Caballeros de la Sagrada Familia was marked as a spiritual descendant of the original movement of Hermano Pule in the 1840's. In the 1920's it has a thousand followers in Pampanga, Bulacan, Pangasinan, and Nueva Ecija.

The Santa Iglesia of Felipe "Apo Ipe" Salvador was later called Iglesia Dela Sagrada Familia under the leadership of Bishop Manuel "Ingkong Bue" Payumo.


References:

  • Marcos Miranda's baptismal and confirmation register. St. James parish, Plaridel, Bulacan.
  • Marcos Josef Miranda and Maria Patiag Mendoza's marriage certificate. Parroquia de San Isidro Labrador, Talavera, Nueva Ecija.
  • Marcos Josef Miranda's death register. Parroquia de San Isidro Labrador, Talavera, Nueva Ecija.
  • Marcos Miranda and Maria Mendoza's marriage register (image courtesy of C Flynn, typescripted and translated by Renz Marion Katigbak)
  • Pagaduan, Tomas I.. Kasaysayan ng Talavera, Nueva Ecija. Unpublished manuscript, 1964.
  • Series of interviews with Victor Mendoza Miranda. February 2014 until a month before his demise in November 8, 2014.
  • Interview with Adelina Tiongson Miranda-Pascual. February 2019.
  • Interview with Charito Marilyn Valenton Bolisay-Manahan. October 2019.
  • Constantino, R. A History of the Philippines. NYU Press, 1975. p 350
  • Invasion of the Philippine Islands https://ww2db.com/battle_spec.php?battle_id=46. Date accessed: April 23, 2019
  • Interview with Alberto Dela Cruz Diego, bishop of Iglesia Dela Sagrada Familia https://www.youtube.com/watch?v=DPsv0k-_B2w

Related profiles:

view all

Teniente Marcos Miranda y Josef's Timeline

1894
March 20, 1894
Barrio Naboag, Quingua (now Plaridel), Bulacan, Philippines
1921
April 12, 1921
Talavera, Nueva Ecija, Philippines
1922
May 13, 1922
Talavera, Nueva Ecija, Philippines
1974
January 22, 1974
Age 79
Talavera, Nueva Ecija, Central Luzon, Philippines
????
Miranda Family Mausoleum, Silangan Memorial Cemetery, Talavera, Nueva Ecija, Philippines