Ramón Icasiano

public profile

Is your surname Icasiano y Aguilar?

Research the Icasiano y Aguilar family

Share your family tree and photos with the people you know and love

  • Build your family tree online
  • Share photos and videos
  • Smart Matching™ technology
  • Free!

Capitán Don Ramón Icasiano y Aguilar

Filipino: Kapitan Ramón Aguilar Icasiano
Birthdate:
Birthplace: Maragondon, Cavite, Calabarzon, Philippines
Death: before April 08, 1908
Bulacan, Bulacan, Philippines
Place of Burial: Bulacan, Central Luzon, Philippines
Immediate Family:

Son of Francisco Icasiano and Dona Ciriaca Aguilar Ycasiano
Husband of Nicolasa Bello Y Casiano and Apolonia Roxas
Father of Trinidad Icasiano; Santiago Icasiano; Andres Bello Ycasiano; Francisco Ycasiano y Bello; Alipio Bello Ycasiano and 9 others
Brother of Private; Private; Private; Private and Jacinto Icasiano

Occupation: civil servant
Managed by: Private User
Last Updated:

About Ramón Icasiano (Filipino)

MULING PAGAKABUHAY MGA PILIPINONG MARANGAL RAMON YCASIANO Bulacan. 19 Abril 1908. Bagama’t huli na sa panahon ang aking ibabalita ay ikinalulugod kong ipatalastas ngayon ang mahalagang nangyari dine sa amin sa libing ng isang ginoong makabayan.

Ng ika-walo ng buwang ito ginanap ang libing dine ng bantog at kilalang makabayang si Kapitang Ramon Ycasiano na wari’y isang pahayag ng lungkot ng lalawigan at bagama’t hindi nagkalat ng paanyaya ang kanyang mga anak ay di mabilang na tao ang dumalo bukod pa ang maraming kaginoohang buhat sa iba’t ibang bayan gaya ng Malolos, Hagonoy, Kingwa, Bocaue, Marilaw at iba’t iba pang taong Bulacan kasama ang boong Municipio.

Walang ipinakilala ang namatay buhat ng makilala namin kundi pawang pag-ibig sa tinubuang lupa at kahit ikagipit ng kanyang kabuhayan ay inaalintana kapag inaakalang ikagiginhawa ng marami lalong lalo ng mahirap na walang sukat magtangol sa katwirang naaapi ay sasaklolohan agada at siya na ang tatangkilik sukdang siya na ang makalaban.

Dahil sa ganitong kagandahan ng loob ay minahal at iginalang ng boong lalawigan at walong bayan at lalo iyong mga sulok nito na hindi sumasambit ng maganda niyang ugali.

Nasanay siya sa gulo ng Kavite ng taong 1872; masidhi at masigasig na Pilipino ng paglalathala ng pahayagang “El Eco Filipino” na doo’y nasusulat ang mga balita at tanghal na manunulat na P. Burgos at kasama nito. Nagkaroon ng sigalot sa mga curang Fraile sa Baliwag, Bocaue at Bulacan at iba pa.

Tumupad ng tungkulin sa may 40 taon sa panahon ng Kastila at masasabing siya ang may hawak ng pamahalaang lalawigan. Pinagkatiwalang lubos at kinalugdan ng mga pinuno, kaya’t walang kautusang mahalaga na di isinangguni sa kanya. Naging timbulan nga mga “quintos” na mahihirap na pawing nanghawak sa kagandahan niyang loob.

Sa nais niyang masulong ang bayan ay nagbukas ng mga lansangan, gaya ng patungo sa Ubando, ang patungo sa Nayong Sta. Ana, at ang patungo sa Guiguinto na ngayo’y siyang gamit ng tanang tagarito st hindi man sa pagparoon sa estacion ng tren. Nagbukas ng isang canal sa mga mangangalakal na taga Malolos at ibang baying karatig na ikinalapit ng pamamangka sa paglalakbay sa pamilihan na ikinaginhawa ng bayang sinabi.

Nanungkulan makailan ng pangangapitan ng bayan at gayon din naman ng pagpepresidente Municipal, katungkulang ginaganap ng magkagulo ng 1896, salamat sa kanyang makandiling pangangasiwa at maraming tao ang nakaligtas, insurrecto at hindi man, sa malulupit na parusa ng Kastila.

Sa masidhi niyang pagmamalasakit sa taong bayan ng taong nasabing 96, pinigilan ang kanyang tungkulin sa Presidente ng panahong namumuno sa lalawigan ang malupit na Coronel Arteago nakalungkot lungkot alalahanin. Pinagbawalan siyang manaog sa bahay ng nasabing Governador ng mahuli sa piitan ang 15 katao dito sa bayan ng Bulacan, (tatlo nito’y anak ni Capitang Ramon) upang huwag malakad ang ikaliligtas ng mga nilanggo. Nagtanan si Capitang Ramon at napasa Maynila upang malipat doon ang mga bilango at doon niya nilakad ng walang tigil. Kalungkot lungkot na panahon. Walang makausap na pinuno sa Maynila na nagdulot ng kaunti man lamang na ikagiginhawa ng kanyang kaloobang tigib na tigib ng hapis. Walang sinasabi sa kanya kundi ang 15 bilango ay sapilitang babarilin, ngunit hindi nanglumo sa paglalakad hanggang sa mabago ang kapaniwalaan ng mga pinuno sa Maynila lalong lalo na ang Auditor Gral. Nicolas de la Peña at ang capitang Gra. Polavieja na napilit niyang humilig ang mga kalooban sa kanyang pakiusap at pag-uulat ng matuwid.

Samantalang patuloy ang paglilitis sa mga bilango at habang ipinakikilala ni Capt. Ramon ng walang kagulat-gulat ang kapaslangang ginagawa ni Arteaga sa Bulacan walang ano ano’y pinaghanap ni Cap. Luis Yangco at ng makita’y dinala sa Malacanang at doon binigyan ng isang Comision mahigpit upang lihim na talastasin ang mga namatay diumano sa labanan ayon sa bigay alam ni Arteaga. Sa Comision yaon ay may pirma ang Capitang General at Sinalaysay na anoman tulong at kailangan ng may taglay ay abuluyan agad ng sino mang pinuno kahit militar na mataas ang katungkulan; Hindi kinailangan ni Cap. Ramon ang gayong tulong at sukat ang mahinahon niyang pag-uusisa na pinagtapatan ng mga taong pinagtanungan, kaya’t walang sino mang nakamalay. Itinitik sa isang papel at pinirmahan. Laking hiwaga! At doon napaglining na ang mga taong sinabi sa bigay alam ni Arteaga na napatay sa labanan, ay pinagkuha sa kani-kanilang bahay at ang iba’y sa bilanguan sa Meycauayan, Marilaw, Bocaue, Sta. Maria, Bigua, Malolos at iba’t iba pang bayan: napatunayan na ang mga taong yaon nga ang sinabing insurrecto ayon sa pagkakaisa ng mga pangalan sa parte, oras, petsa, araw, buwan at pook na pinagbarilan. Dahil dito’y napilit niyang napugay (ni Cap. Ramon) ang kabantugan at malaking lingap kay Arteaga ng matataas na pinuno sa Maynila. Humilahod sa lupa ang ngalan ng malupit na si Arteaga.

Ng malutas ang paglilitis ay hinatulan na nga na ang 15 bilango ay barilin, hatol na pinagkaisahan ng Consejo de Guerra ngunit si Capt. Ramon ay nagtungo na sa mga nasabing pinuno, Polavieja at de la Peña at kinuha ang katunayang sulat na di pag-ayon sa kahatulang ng Consejo, dahil sa di pagkakaisa ay naurong ang hatol na pagbaril, kaya’t ipinadala sa España ang Espediente upang suriin doon sa mataas na tribunal ng Consejo ng Guerra at Marina. Nang isakay sa vapor ang espedinte ay lumulan naman si Capt. Ramon upang kanyang malakad na mailigtas ang buhay ng 15 nahatulan. Dumating siya sa España at isa sa mga unang bahay na kanyang naparoonan ang tahanan ng naging Governador sa Bulacan, Brigadier Baldasano na hinalinhan ni Arteaga at dahil sa paniniwala ng nasabing brigadier sa ulat na kasinungalingan ay ayaw man lang dingin ang mga sinasabi ng Capt. Ramon; ngunit sa maayos na pananalaysay nito ay napilitang umilinig ang nasabing brigadier, anupa’t sa paniwalaan siya ay dili ay naipahayag ang buong nangyari.

Ng maisalaysay sa lahat at mapagkuro ang sinabi niya ay tila nasiyahan ang brigadier at sapul ng araw na yaon si Arteaga’y hindi na sumilay ang mukha. Sinimulan na ang mga paglakad hanggang sa siya’y nakarating sa harap ng Infanta Dña. Isabel, kapatid ng ama ng hari ngayon sa España, babaing marangal na ugali, iginagalang ng boong España sa katalinuhan, maawain at magandang loob ng malaman ang nais niyang pakinggan ang kanyang isasalaysay, kung baga’t loloobin at kalahok doon ang 15 buhay, ay pinaupo’t dininig na lahat; pagkasalaysay ni Capt. Ramon ay nagkaroon ang Infanta ng pagmamalasakit na makaligtas ang 15 bilango at tinawag ang katiwala niya sa Palacio at pinagbilinang ano mang oras nadumating ang Filipino (si Cap. Ramon) ay agad sasabihin sa kanya at noon din ang binigyan siya ng tarjeta para sa Presidente ng Tribunal Supremo ng Guerra at Marina. Lahat ng kasagutan at pangyayari ay pinagbibigay alam ni Cap. Ramon sa Infanta kaya’t madalas na totoo ang pagmamanhik manaog niya sa Palacio. Masasabing ang mahabaging Infanta ang naging timbulan ng 15 bilango at siyang tumangkilik ng lubos, kaya nga ng ipabalik ang Expediente sa Filipinas ay pinawalang halaga at pinapanumbalik sa panibagong pagsusuri na wala ng pahirap, wala ng pasakit sa mga paguusisa palibhasa’y lumitao ang katotohanang di dapat magdusa ang mga bilango.

Sa mga nilakadlakad ni Cap. Ramon sa Madrid nakilala ang mga Kgg. na ngayo’y Representante, sina Gg. Arejola, Rodriguez, C. Lukban C., at si G. del Pan R. na nagsitulong naman sa kanya lalo na si G. Vicente Ilustre na di humiwalay sa kanya kahit saan pumaroon.

Ng umuwi siya dito sa Filipinas ay pinagkalooban ng tungkulin na oficial na de Almacenero sa lalawigang Kapangpangan, Katungkulang tumupad siya ng boong kasiyahang loob ng mga pinuno at ng boong lalawigan.

Sa tungkuling pagka-ama ay uliran siya at bagama’t mahirap ang buhay ay naiwanan ang kangyang mga anak ng mahalaga at marangal na mona ang karunungan.

Ang iniwang ulila ay 11 anak, 9 na lalaki at 2 babae, sa nauna’y 2 ang licensiado sa drecho, 3 ang licensiado sa medicina, 1 ang licensiado sa Ingenieria Mecanica, 1 ang kung palain sa grado ay magiging licenciado sa derecho, 1 ang magtatapos sa derecho at ang bunso’y nagsisimula ng medicina. Ang mga anak na ito ang may pasan sa kanilang ama ng ito’y ihatid sa huling tahanan ng arao ng libing. Bago ilagak sakayang huling tahanan ay nangusap si G. Pero Morelos, Tercer vocal sa lalawigan: sinabi niya na ang pumanao sa arao na ito’y isang bayani, isang hindi sumawang maghandog ng kaya, sa ikasusulong ng bayan ang lahat ng ginawa.

Buhat ng siya’y sumipot sa maliwanag at makilala niya si Cap. Ramon ay namasdan na ang lahat ng kanyang nakahumalingan ay ang maglingdod sa bayan. Walang kailangang ipagsulit ang kanyang mga ginawa, walang tao rito sa Bulacan, walang bayan sa boong lalawigan ito na hindi nakakalastas. Sino man ay hindi makasusurat sa kanya, walang dungis na maibabahid sa kanyang dungal, bagkus alang-alang; bulaklak ng paggiliw at luha ng paganting loob ang maiiaalay sa kanya.

Ito anya ang taong mapalad, tumupad sa pagka-ama at sa madlang tungkulin sa kangyang bayan.

Siya ay na sa Langit ngayon, hindi mangyayaring hindi kupkupin ng Dios ang isang taong may ganitong bait, sa tumupad sa lahat ng kanyang tungkulin.

Siya sana’y maging uliran nating lahat.

Nangusap pagkaroon ang gobernador na si G. Sandico at sa mga sinabi niya’y naala ala ko an sumusunod.

Damdaming bayan ang pagpanaw ni Capitang Ramon. Hindi natatalisod ang ganganitong tao. Sayang.

Parang nakikini-kinita ang ligalig at paghihimutok ng kanyang loob nang mamasdan niyang tila hindi magkakaisang loob ang bayan nang kasalukuyang magtatatag ng mga partido, na panood ko noong araw na iyon ang tunay na dalamhati ng makabayang ito, halos siya’y tumatangis ng katigiban ng damdamin, ngunit ng mamasdan niya at malining na mabuti and pagiisang damdamin ng bayan noon ko rin namalas ang malaking galak ng bayaning ito at gayon na lamang ang kanyang kasiyahang loob. Para kong nakikini-kinita ang mahal niyang kilos, ang kanyang tigas ng kailanman ay kayakap ng katwiran, niyaong panahon ng Kastila na ang gobernador at bawat fraile ay isang hari-harihan.

Ang pangalan ng taong ito ang siay na lamang naririnig; ang lahat ng Capitan sa bayang inaabot at nagtitiis ng kaayupan ng fraile at masasamang Kastila ay sa kanya sumasanguni, siya ang hinihingan ng payo at kupkop, ang mahihirap na dinudusta at nilulupig ng katampalasanan ay ngalan niya ang sinasambit sambit, anopa’t ang pangalan ng ginoong ito’y matamis sa tainga ng mahihirap, ang ngalang Capitang Ramon ang nagiging kahuluga’y pagtatanggol ng nasaping maralita.

Sa panahon ng Kastilan sa panahon ng tagalog, at americano ay wala siyang naging palatuntunan kundi ang kagalingan ng lahat. Ano mang dungis ay di siya nabahiran.

Ano ang maihahandog natin sa kanya ngayon kundi luha at lubos na paggalang?

Hiniling din sa kanyang kababayan na gawin siyang uliran ani G. Saudico. Sumagot pagkatapos na tumatagistis ang luha ang isa sa mga anak ng namatay, G. Trinidad Icasiano at nagpasalamat sa mga papuri at dangal na inialay sa kanyang ama. (Ang Corresponsal)

view all 19

Ramón Icasiano's Timeline

1833
1833
Bulacan, Bulacan, Central Luzon, Philippines
1861
December 30, 1861
Bulacan, Bulacan, Philippines
1862
November 10, 1862
Bulacan, Bulacan, Philippines
1884
December 17, 1884
Bulakan, Bulacan, Central Luzon, Philippines
1908
April 8, 1908
Bulacan, Bulacan, Philippines
April 8, 1908
Bulacan, Central Luzon, Philippines
????
Bulacan, Bulacan, Philippines